Pinoy Blog: What is Blogging?

Ang blog ay pwedeng i compare sa isang diary, yun nga lang Online at pwedeng mabasa ng lahat ng tao. Tulad nang sa Diary sinusulat natin yung mga important moments, interesting, at kakaibang nangyari sa araw natin. Ganun din ang blogging, ang pinag kaiba lang ay online po at marami ang makakabasa.

Ngayon ginagamit ang blog para sa ibat-ibang dahilan. Mayron akong mga halimbawa ako dito nang madalas na nakikita nating mga blog at unti-unti nyong matutunan kung ano ba talaga ang blogging at bakit marami ang gustong sumusubok nito, mga naging successful at umasenso sa buhay dahil sa blogging.

Sigurado akong mag kaka idea kayo kung ano ba talaga ang blogging at mga klase ng blog na gusto mo at babagay sayo. Ang mga nasa ibaba ay iisa lamang sa mga klase nang pag blogging na karaninawan nating nakikita.:

1. Personal Blogs – By the word Personal, mga bagay bagay na gusto mo as individual. Sa Personal Blog walang Rules! lahat pwede mong i post. May iba namang personal blog na naka focus lang sa isang topic tulad ng hobby nila, favorite games, movie, at kung ano ano pa.

2. Business/Company Blog – Karaniwang binubuo ng maraming miyembro, at naka focus lang talaga sila sa  Business/Company nila. Dito nila madalas pinu-publish ang mga promotional advertisement nila at mga bagong products and services.

3. Professional Blog – Ito yung mga blog na gawa ng mga expert or professional. Mga tao na sobrang galling sa isang bagay tulad ng Body Building, Photoshop, Drawing, Painting, Medicine at kung ano ano pa. Sila yung gumagawa ng guide para sa mga gustong matuto at mag ka alam.

4. Freelance Blog – Sila yung mga nag papabayad sa services nila tulad nang pag gawa ng mga website, logo, designs at marami pa.

5. Media Blog – ito yung mga tao na gumagamit nang media sa pag blog. Most of the time sila ay mga Photographer pino-post ang mga kuha nilang pictures at yung sikat ngayon “Video Bloggers” ni re-record nila ang sarili nila para ma express yung gusto nila at nilalagay sa blog nila or mga video-sharing website like youtube.

 

Conclusion:

Ngayong may idea na kayo kung ano-ang klase nang blogging at kung sino-sino ang gumagawa ng blog siguro naman may idea kana kung ano ang gusto mong klase ng blog? May mga idea ka ba at gusto mong pag usapan or mga katanungan? please post in comments. Thanks!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *